[Session Road]
Sampung gabi na kong puyat
Iniisip ang alaala masaya
Hindi na sana kita hinintay
Malay ko bang
May iba ka palang kasabay
Sampung beses na kong tumawag
Nagsusungit ka pa
Di na nga ako pumalag
Di ka na nga nagpaliwanag
Parang gusto mo ng tapusin ang lahat
Ano na nga ba ang patutunguhan
Saan pa ba pupunta
Pwede bang malaman
Ohhh, di ko maintindihan
Kung bakit ka ganyan
Bakit di na lang kalimutan
Gabi-gabing umaasa
Na sana wag ka ng magbago ng nadarama
Sampung dosenang bulaklak
Di mo man lang pasin
Gusto ko na ngang umiyak
Sabihin mo sakin wala na ba
Anino mo saking tabi
Naglaho na parang bula
Ohhh, di ko maintindihan
Kung bakit ka ganyan
Bakit di na lang kalimutan
Gabi-gabing umaasa
Na sana wag ka ng magbago ng nadarama
Ohhh, di ko maintindihan
Kung bakit ka ganyan
Bakit di na lang kalimutan
Gabi-gabing umaasa
Na sana wag ka ng magbago ng nadarama
Posted at 1:13:00 pm by jen